Ang Bawat Patak ay isang adbokasiya na may layuning hikayatin at bigyang kaalaman ang mga Pilipino tungkol sa rainwater harvesting.
Kilalanin ang mga mukha sa likod ng Bawat Patak
Yohanna Mendoza
Project Manager, Graphic Designer, Video Editor
Hazel Miranda
Director of Photography, Video Editor
Hiro Odamaki
Web Developer, Graphic Designer
Sean Suerto
Lead Web Designer, Illustrator
Ano nga ba ang pinagkaiba ng planggana, balde, at timba?
Kilalanin ang pananaw ng mga Malabueño sa rainwater harvesting at ilan sa mga residenteng nagsasagawa nito sa maikling video series na ito.
Pindutin ang imahe para mapanood ang episode! (Ang pagpindot ng mga imahe ay magdadala sa’yo sa Facebook.)
Malaki ang tulong na naibibigay ng rainwater harvesting sa pang-araw-araw na buhay, ngunit bakit tila hindi na ito gaanong isinasagawa?
Sa pag-interview ng walong residente ng Malabon, napagtanto namin na maaaring kulang ang kaalaman at pag-unawa ng mga tao dahil kakaunti ang madaling mahanap na impormasyon tungkol sa praktis na ito. Bukod dito, may ilan ding hadlang na nagiging dahilan upang hindi sila makapagsimula ng sarili nilang sistema.
Napagmasdan rin ng mga residente na ang lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong tumutulak sa rainwater harvesting, kahit na mayroong batas na nag-ma-mandate na magkaroon ng pasilidad para dito sa bawat barangay.
Layunin ng Bawat Patak na maging malinaw ang konsepto ng rainwater harvesting at magbigay ng mga praktikal na hakbang na maaaring sundin ng bawat tahanan, ayon sa kung ano ang pinakamainam para sa kanilang pamumuhay.