Rainwater Harvesting (RWH)

Ang RWH ay ang pagkuha at pagtabi ng tubig-ulan, mula sa simpleng gamit sa bahay hanggang sa mas komplikadong sistema para sa mas malaking pangangailangan.

Iba't ibang uri ng Rainwater Harvesting System (RWHS)

Paano ba ito simulan?

Hindi kailangang komplikado ang rainwater harvesting—simple at abot-kaya ang unang hakbang upang simulan ito sa bahay. Alamin ang mga simpleng paraan ng pagsasagawa nito, iba’t ibang uri ng tangke, at iba pang mga dapat isaalang-alang.

Karaniwang Katanungan

Frequently Asked Questions (FAQs)

I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Ang rainwater harvesting ay ang pag-iipon ng tubig-ulan upang ito’y mapakinabangan muli.

May iba’t ibang dahilan kung bakit ang tao ay nagsisimulang mag rainwater harvesting. Ilan lamang dito ay upang makatipid sa gastos sa tubig, makabawas sa localized na pagbabaha, magkaroon ng libreng tubig upang gamitin sa iba’t ibang gawaing bahay tulad ng paglalaba o paglinis, at iba pa.

Hindi kinakailangang maging mahirap o komplikado ang pagsisimula ng rainwater harvesting. Ito ay maaaring simulan sa simpleng paglabas ng balde tuwing umuulan upang saluhin ang tubig mula sa langit. Ngunit para sa mas advanced at standard na pamamaraan ng rainwater harvesting, kakailanganin ay paglaanan ito ng mas maraming pera at oras. Para sa general na cost estimates ng mga lalagyan ng tubig-ulan, maaaring bisitahin ang bawatpatak.com.

Ang tubig-ulan ay hindi maaaring inumin hangga’t ito’y hindi nagagamitan ng tamang proseso ng filtration at disinfection. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng distillation, UV disinfection, reverse osmosis, at iba pang paraan. Upang mas alamin pa ang paraan ng treatment na naaayon sa’yo, maaaring bisitahin ang cdc.gov o freshwatersystems.com.

Maaari pa ring gamitin ang untreated na tubig-ulan sa mga gawain na hindi kinakailangan ang pagkonsumo nito tulad ng pagdidilig ng halaman na hindi kakainin, pag-flush ng inidoro, at maging ang simpleng paglilinis ng garahe at iba’t ibang bahagi ng bahay.

Oo, ang tubig-ulan ay maaaring pamugaran ng mga lamok kung hahayaan ito nang basta-basta. Ang karaniwang payo upang hindi dumami ang lamok sa tubig-ulan ay takpan ang sisidlan, lagyan ng mesh screens ang mga inlet at outlet, pati na rin ang regular na paglilinis. Para sa mas detalyadong impormasyon tungkol sa pag mosquito-proof ng tanke na pang tubig-ulan, maaaring magtungo sa sahealth.sa.gov.au.