Pagsisimula sa isang patak
Sa pag-ipon ng tubig-ulan, hindi kailangan magsimula sa malaki ng agad-agad. Minsan, ang pinakamalaking pagbabago ay nagsisimula sa bahay lamang gamit ang isang maliit na balde at ilang patak ng tubig-ulan. Alamin ang lahat ng kailangan upang magsimula mag rainwater harvesting.
Iba’t ibang antas ng simpleng pag-iimbak ng tubig-ulan
Lahat ay nagsisimula sa pag-iimbakan, kaya’t inirerekomenda na isaalang-alang muna ang badyet at espasyo bago pumili ng lalagyan para sa pag-iipon ng tubig-ulan.
Unang antas
Ang pinaka simpleng paraan ng pag-ipon ng tubig-ulan ay ang paglabas lamang ng planggana, balde, o kahit anong lalagyan sa labas tuwing umuulan para sapuhin ang tubig.
Ikalawang antas
Upang mas marami ang maipon na tubig-ulan, maaaring itapat ang napiling lalagyan sa may alulod kung mayroon man, o kaya’y ikonekta ito sa sistema ng mga tubo kung saan direktang natatanggap ng lalagyan ang tubig mula sa bubong.
Ikatlong antas
Para sa mas mataas na kalidad ng tubig, maaaring lagyan ng first-flush inverter o filter ang isang rainwater harvesting system upang matanggal ang mga dahon, alikabok, o dumi ng hayop na posibleng maisama sa tubig-ulan mula sa bubong.
Iba’t ibang uri ng lalagyan o imbakan
Lahat ay nagsisimula sa pag-iimbakan, kaya’t inirerekomenda na isaalang-alang muna ang badyet at espasyo bago pumili ng lalagyan para sa pag-iipon ng tubig-ulan.
I-hover o i-tap ang cards sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Simpleng lalagyan
sa bahay
Maaaring i-estimate na ang karaniwang lalagyan ay kayang pag-imbakan ng aabot sa humigit-kumulang 20 litro ng tubig lamang.
Plastik na drum
Kaya nito ang 22 hanggang sa 220 litro ng tubig depende sa sukat.
Plastik na tangke ng tubig
Maaari itong pag-imbakan ng 300 hanggang sa 10,000 litro ng tubig depende sa modelo ng tangke.
Plastik na tote tank
May mga tote tank na may kapasidad na aabot sa higit 2,000 litro ng tubig, subalit ang pangkaraniwan na modelo ay may kapasidad na 1,041 litro ng tubig.
Mga maaari pang i-consider
Mga upgrades, add-ons, o simpleng payo para sa pagsisimula ng rainwater harvesting.
I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Pag-install ng sistema ng pagsasala o filtration system
Puro man ang ulan, walang kasiguraduhan na malinis ang dinadaanan nito. Upang mas mapakinabangan pa ang naipon na tubig-ulan, maaaring mag-install ng sistema ng pagsasala o filtration system sa iyong rainwater harvesting system. Bukod sa pangkaraniwan na non-potable uses ng tubig-ulan, ang tubig-ulan na naisala nang maayos ay maaaring inumin.
Ilan sa mga posibleng filters para sa rainwater harvesting systems ay ang mga sumusunod:
mechanical pre-tank filters na karaniwan ay may mesh o grill na pinipigilan ang mga malalaking dumi tulad ng mga dahon at sanga bago ito umabot sa tangke;
microscopic filters na gumagamit ng cartridges para sa mas thorough na pagsasala ng tubig at pagtanggal ng fine particles;
at ang carbon filters na gumagamit ng activated carbon upang alisin ang mga dumi sa tubig at mapabuti ang lasa at amoy nito.
Pag angat sa isang platform
Inirerekomenda na iangat ang mga rainwater harvesting system sa isang plataporma kung saan maaaring mas makita kung ang pinaglalagyan ng tubig ay may tulo o sira. Dahil sa elevation, napapadali rin ang pagkonekta ng rainwater harvesting system sa spigot o hos. Bukod rito, ayon sa pag-aaral, ito rin ay nakatutulong sa presyon ng tubig.
Pagpintura nang itim o gamit ang anti-UV paint
Kung ang iyong napiling lalagyan ay hindi UV resistant, mahalaga na pinturahan ito ng itim o gamit ang anti-UV paint upang maiwasan na tubuan ng lumot o algae ang naipon na tubig-ulan. Bukod sa pintura ay mahalaga ring i-puwesto ang naipong tubig-ulan sa may lilim. Ang exposure sa araw ay maaaring maging dulot ng photosynthesis, na gayun naman ay maaaring magdulot ng pagtubo ng lumot sa inimbak na tubig-ulan.
Regular na paglilinis
Bukod sa regular na paglilinis ng pinaglalagyan ng tubig-ulan, inirerekomenda na linisin rin ang mga dinadaanan nito tulad ng alulod at bubong upang maiwasan ang pagbara ng mga ito. Kung ang iyong rainwater harvesting system ay mayroong filter o first-flush diverter, ito rin ay kailangan linisin.
Ang frequency ng paglilinis ay naaayon sa dalas ng pag-ulan sa iyong lugar at kung anong bahagi ng rainwater harvesting system ang lilinisin. Ito ay maaaring gawin bawat buwan, quarterly, dalawang beses sa isang taon, o bawat pagkatapos ng kaganapan ng malakas na ulan.
Gabay mo sa pagsisimula
Lahat ng kailangan mo malaman para magsimula sa pag-ipon ng tubig-ulan, pinagkasya sa isang reference sheet. Handa nang i-download o i-print para sa iyong pang-araw-araw na paggamit.