Ang Bawat Patak ay isang capstone project ng mga Multimedia Arts students mula sa De La Salle-College of Saint Benilde na naglalayong palawakin ang kaalaman tungkol sa kung paano makikinabang ang mga Pilipinong tahanan at komunidad mula sa rainwater harvesting.

Kilalanin ang mga mukha sa likod ng Bawat Patak

Yohanna Mendoza

Project Manager, Graphic Designer, Video Editor

Hazel Miranda

Director of Photography, Video Editor

Hiro Odamaki

Web Developer, Graphic Designer

Sean Suerto

Lead Web Designer, Illustrator

Ano nga ba ang pinagkaiba ng planggana, balde, at timba?

Kilalanin ang pananaw ng mga Malabueño sa rainwater harvesting at ilan sa mga residenteng nagsasagawa nito sa maikling video series na ito.

#AhonMalabon

Malaki ang tulong na naibibigay ng rainwater harvesting sa pang-araw-araw na buhay, ngunit bakit tila hindi na ito gaanong isinasagawa? 

Sa pag-interview ng walong residente ng Malabon, napagtanto namin na maaaring kulang ang kaalaman at pag-unawa ng mga tao dahil kakaunti ang madaling mahanap na impormasyon tungkol sa praktis na ito. Bukod dito, may ilan ding hadlang na nagiging dahilan upang hindi sila makapagsimula ng sarili nilang sistema.

Napagmasdan rin ng mga residente na ang lokal na pamahalaan ay kulang sa mga proyektong tumutulak sa rainwater harvesting, kahit na mayroong batas na nag-ma-mandate na magkaroon ng pasilidad para dito sa bawat barangay.

Layunin ng Bawat Patak na maging malinaw ang konsepto ng rainwater harvesting at magbigay ng mga praktikal na hakbang na maaaring sundin ng bawat tahanan, ayon sa kung ano ang pinakamainam para sa kanilang pamumuhay.