Rainwater Harvesting (RWH)
Ang RWH ay ang pagkuha at pagtabi ng tubig-ulan, mula sa simpleng gamit sa bahay hanggang sa mas komplikadong sistema para sa mas malaking pangangailangan.
Iba't ibang uri ng Rainwater Harvesting System (RWHS)
Water Butt RWH
Ito ang pinakasimpleng uri ng RWH dahil kailangan lang nito ng isang barrel o maliit na storage tank na kumukuha ng tubig-ulan mula sa bubong.
Ideal ito para sa basic na gawain tulad ng pagdidilig ng halaman o panglinis sa labas ng bahay.
Direct-Pumped (Submersible)
Ang RWH system na ito ay gumagamit ng pump na nakalubog (submersed) sa loob ng storage tank.
Diretso nitong pinapadala ang tubig-ulan sa mga gamit sa bahay (hal. gripo, inidoro).
Maaari rin itong ikonekta sa iyong water provider (hal. Maynilad) kapag kulang ang tubig-ulan.
Direct-Pumped (Suction)
Sa RWH system na ito, ang pump ay nasa labas ng storage tank, kaya mas madali itong i-access at i-maintain.
Diretso nitong pinapadala ang tubig-ulan sa mga gamit sa bahay (hal. gripo, inidoro).
Maaari rin itong ikonekta sa iyong water provider (hal. Maynilad) kapag kulang ang tubig-ulan.
Indirect Gravity
Ang RWH system na ito ay gumagamit ng pump para iakyat ang tubig-ulan papunta sa secondary tank na nakalagay sa mas mataas na bahagi ng bahay, para natural na bumaba ang tubig gamit ang gravity.
Ang secondary tank ay diretsong konektado sa mga gamit sa bahay (hal. gripo, inidoro).
Gumagana lang ang pump kapag pinupuno ang secondary tank.
Maaari rin itong ikonekta sa iyong water provider (hal., Maynilad) kapag kulang ang tubig-ulan.
Indirect Pumped
May secondary tank din ang RWH system na ito, ngunit gumagamit ito ng booster pump na diretsong nakakonekta sa mga gamit sa bahay (hal. gripo, inidoro) para siguradong malakas at adjustable ang water pressure.
Hindi tulad ng Indirect Gravity RWH, ang secondary tank ay maaaring ilagay sa anumang taas dahil hindi ito umaasa sa gravity. Mas bagay ito sa mga bahay na kailangan ng flexible na placement at malakas na daloy ng tubig.
Ang main pump ay gumagana lang kapag pinupuno ang secondary tank.
Maaari rin itong ikonekta sa iyong water provider (hal. Maynilad) kapag kulang ang tubig-ulan.
Gravity Only
Ang RWH system na ito ay walang ginagamit na kuryente o pump.
Kailangan na ang storage tank ay mas mataas ang pwesto kaysa sa lahat ng outlet sa bahay.
Natural na dumadaloy ang tubig gamit ang gravity kaya napakatipid ito sa enerhiya.
Praktikal lang ito kung tugma ang elevation at layout ng bahay.
Paano ba ito simulan?
Hindi kailangang komplikado ang rainwater harvesting—simple at abot-kaya ang unang hakbang upang simulan ito sa bahay. Alamin ang mga simpleng paraan ng pagsasagawa nito, iba’t ibang uri ng tangke, at iba pang mga dapat isaalang-alang.