Nagsisimula sa isang patak

Sa pag-ipon ng tubig-ulan, hindi kailangan magsimula sa malaki ng agad-agad. Minsan, ang pinakamalaking pagbabago ay nagsisimula sa bahay gamit ang isang maliit na balde at ilang patak ng tubig-ulan. Alamin ang lahat ng kailangan upang magsimula mag rainwater harvesting.
I-share ang page na ito

Iba’t ibang antas ng simpleng pag-iimbak ng tubig-ulan

Ang mga lebel ng iba’t ibang rainwater harvesting systems.

Iba’t ibang uri ng lalagyan o imbakan

Lahat ay nagsisimula sa pag-iimbakan, kaya’t inirerekomenda na isaalang-alang muna ang badyet at espasyo bago pumili ng lalagyan para sa pag-iipon ng tubig-ulan.

I-hover o i-tap ang cards sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Mga maaari pang i-consider

Mga upgrades, add-ons, o simpleng payo para sa pagsisimula ng rainwater harvesting.

I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

Puro man ang ulan, walang kasiguraduhan na malinis ang dinadaanan nito. Upang mas mapakinabangan pa ang naipon na tubig-ulan, maaaring mag-install ng sistema ng pagsasala o filtration system sa iyong rainwater harvesting system. Bukod sa pangkaraniwan na non-potable uses ng tubig-ulan, ang tubig-ulan na naisala nang maayos ay maaaring inumin. 

Ilan sa mga posibleng filters para sa rainwater harvesting systems ay ang mga sumusunod:

  • mechanical pre-tank filters na karaniwan ay may mesh o grill na pinipigilan ang mga malalaking dumi tulad ng mga dahon at sanga bago ito umabot sa tangke;

  • microscopic filters na gumagamit ng cartridges para sa mas lubos na pagsasala ng tubig at pagtanggal ng fine particles

  • ultraviolet (UV) filters na gumagamit ng UV lamp upang ilawan ang tubig at patayin ang anumang bacteria at organisms na mahahanap dito;
  • at ang carbon filters na gumagamit ng activated carbon upang alisin ang mga dumi sa tubig at mapabuti ang lasa at amoy nito.

Inirerekomenda na iangat ang mga rainwater harvesting system sa isang plataporma kung saan maaaring mas makita kung ang pinaglalagyan ng tubig ay may tulo o sira. Dahil sa elevation, napapadali rin ang pagkonekta ng rainwater harvesting system sa spigot o hos. Bukod rito, ayon sa pag-aaral, ito rin ay nakatutulong sa presyon ng tubig.

Kung ang iyong napiling lalagyan ay hindi UV resistant, mahalaga na pinturahan ito ng itim o paggamit ang anti-UV paint upang maiwasan na tubuan ng lumot o algae ang naipon na tubig-ulan. Bukod sa pintura ay mahalaga ring i-puwesto ang naipong tubig-ulan sa may lilim. Ang pagbilad sa araw ay maaaring maging dulot ng photosynthesis, na gayun naman ay maaaring magdulot ng pagtubo ng lumot sa inimbak na tubig-ulan.

Bukod sa madalas na paglilinis ng pinaglalagyan ng tubig-ulan, inirerekomenda na linisin rin ang mga dinadaanan nito tulad ng alulod at bubong upang maiwasan ang pagbara ng mga ito. Kung ang iyong rainwater harvesting system ay mayroong filter o first-flush diverter, ito rin ay kailangan linisin. 

Ang frequency ng paglilinis ay naaayon sa dalas ng pag-ulan sa iyong lugar at kung anong bahagi ng rainwater harvesting system ang lilinisin. Ito ay maaaring gawin bawat buwan, quarterly, dalawang beses sa isang taon, o bawat pagkatapos ng kaganapan ng malakas na ulan.

Mga maaaring pagbilhan ng lalagyan

Kung ikaw ay nakatira malapit sa Metro Manila, narito ang ilang lugar kung saan maaaring bumili ng mga drum.

I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

852 Gov. Pascual Ave, Brgy. Potrero, Malabon City

Para sa pangkaraniwang lagayan ng tubig gaya ng batya, timba, planggana, at iba pa.



Walang available na contact information.

1 Mayo Street, cor A. Bonifacio Ave, Quezon City

Para sa pagbili ng malalaking plastik na lagayan gaya ng mga drum at tangke.



Contact numbers: +63 917 858 6532 |
(02) 8247 6155

San Marino Compound, 668, T. Santiago St., Lingunan, Valenzuela City

Nagbebenta ng lahat ng maaaring kailanganin para sa mas komplikadong rainwater harvesting system: plastic at bakal na tangke, mga heater, pump, at filter.



Facebook:
BESTANK Manufacturing Corporation | Instagram: @bestankmfgcorp 
Website: https://bestank.com/ 
Email: service@bestank.com 
Contact number: (02) 8292 5727

Mga maaaring i-contact para sa installation ng RWHS at ibang sistema

Kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila at may nais magpa-install ng mas komplikadong RWHS kaysa gawin ito mag-isa, narito ang ilang negosyo na maaaring makatulong.

I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.

22A Araneta Avenue, corner P Tuazon, Potrero, Malabon, 1475 Metro Manila
Para sa pag-install ng advanced water filtration at treatment systems. Nag-ooffer ng serbisyo sa Malabon at maging sa ibang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, at iba pa. 

Facebook: AqualiPure Water Systems & Equipment Inc.
Website: http://aqualipure.com
Email: aqualipure.wsei@gmail.com
Contact number: +63 917 512 0431

Para sa mga serbisyo sa pagtutubero, pati na rin ang pag-install ng RWHS. Nag-ooffer ng serbisyo sa Metro Manila.

Facebook: JBS Roof Repair Plumbing and Welding Service
Contact number: +63 965 684 1015

Para sa mga serbisyo sa pagtutubero at elektrikal, kabilang ang pag-install ng tangke ng tubig.

Facebook: JD Plumbing
Contact numbers: +63 962 692 7649 | +63 915 541 1585

93 k6th Kamuning Quezon City, Quezon City, Philippines, 1103
Para sa pag-install ng mga tangke, filter, at pumps. Nag-ooffer ng serbisyo sa Malabon at maging sa ibang lugar sa Metro Manila, Bulacan, at iba pa.

Facebook: 24/7 Axel Plumbing and Electrical Services
Contact numbers: +63 995 200 2417 | +63 945 610 8659

27 Atis Street, Verdant Acres Subdivision Pamplona 3, , Las Piñas, Philippines, 1740
Para sa iba-ibang serbisyong may kinalaman sa pagtutubero, pati na rin ang pag-install, paglinis, at pag-repair sa mga tangke ng tubig. Nag-ooffer ng serbisyo sa Metro Manila.

Facebook: RBB Plumbing & Malabanan Services
Website: http://malabananservicesph.com
Email: briosoplumbing@gmail.com
Contact numbers: +63 995 990 9231 | +63 947 955 6498

Gabay mo sa pagsisimula

Lahat ng kailangan mo malaman para magsimula sa pag-ipon ng tubig-ulan, pinagkasya sa isang reference sheet. Handa nang i-download o i-print para sa iyong pang-araw-araw na paggamit.