Nagsisimula sa isang patak
Iba’t ibang antas ng simpleng pag-iimbak ng tubig-ulan
Ang mga lebel ng iba’t ibang rainwater harvesting systems.
Unang Antas
Ang pinaka simpleng paraan ng pag-ipon ng tubig-ulan ay ang paglabas lamang ng planggana, balde, o kahit anong lalagyan sa labas tuwing umuulan para maipon ang tubig.
Ikalawang Antas
Upang mas marami ang maipon na tubig-ulan, maaaring itapat ang napiling lalagyan sa may alulod kung mayroon man, o kaya’y ikabit ito sa sistema ng mga tubo kung saan direktang natatanggap ng lalagyan ang tubig mula sa bubong.
Ikatlong Antas
Para sa mas mataas na kalidad ng tubig, maaaring lagyan ng first-flush diverter o filter ang isang rainwater harvesting system upang matanggal ang mga dahon, alikabok, o dumi ng hayop na posibleng sumama sa tubig-ulan mula sa bubong.
Iba’t ibang uri ng lalagyan o imbakan
Lahat ay nagsisimula sa pag-iimbakan, kaya’t inirerekomenda na isaalang-alang muna ang badyet at espasyo bago pumili ng lalagyan para sa pag-iipon ng tubig-ulan.
I-hover o i-tap ang cards sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Simpleng lalagyan
sa bahay
Maaaring i-estimate na ang karaniwang lalagyan ay kayang pag-imbakan ng aabot sa humigit-kumulang 20 litro ng tubig.
Tinatayang presyo: ₱80 - ₱350 depende sa laki at uri ng lalagyan.
Plastik na drum
Kaya nito ang 22 hanggang sa 220 litro ng tubig depende sa sukat.
Tinatayang halaga ay: ₱600 - ₱2,500 depende kung bago o recycled at sa laki ng drum.
Plastik na tangke ng tubig
Maaari itong pag-imbakan ng 300 hanggang sa 10,000 litro ng tubig depende sa modelo ng tangke.
Tinatayang presyo: ₱8,100 - ₱30,300 depende sa kapasidad ng tangke.
Halimbawa, ang isang 300-litro na tangke ay maaaring nasa ₱8,100, habang ang 1000-litro na tangke ay maaaring nasa ₱15,200 o higit pa.
Plastik na tote tank
May mga tote tank na may kapasidad na aabot sa higit 2,000 litro ng tubig, subalit ang pangkaraniwan na modelo ay may kapasidad na 1,041 litro ng tubig.
Tinatayang halaga ay: ₱5,000 - ₱7,000 para sa mga second-hand na 1000-litro na IBC tank.
Mga maaari pang i-consider
Mga upgrades, add-ons, o simpleng payo para sa pagsisimula ng rainwater harvesting.
I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
Pag-install ng sistema ng pagsasala o filtration system
Puro man ang ulan, walang kasiguraduhan na malinis ang dinadaanan nito. Upang mas mapakinabangan pa ang naipon na tubig-ulan, maaaring mag-install ng sistema ng pagsasala o filtration system sa iyong rainwater harvesting system. Bukod sa pangkaraniwan na non-potable uses ng tubig-ulan, ang tubig-ulan na naisala nang maayos ay maaaring inumin.
Ilan sa mga posibleng filters para sa rainwater harvesting systems ay ang mga sumusunod:
mechanical pre-tank filters na karaniwan ay may mesh o grill na pinipigilan ang mga malalaking dumi tulad ng mga dahon at sanga bago ito umabot sa tangke;
microscopic filters na gumagamit ng cartridges para sa mas lubos na pagsasala ng tubig at pagtanggal ng fine particles;
- ultraviolet (UV) filters na gumagamit ng UV lamp upang ilawan ang tubig at patayin ang anumang bacteria at organisms na mahahanap dito;
at ang carbon filters na gumagamit ng activated carbon upang alisin ang mga dumi sa tubig at mapabuti ang lasa at amoy nito.
Pag angat sa isang platform
Inirerekomenda na iangat ang mga rainwater harvesting system sa isang plataporma kung saan maaaring mas makita kung ang pinaglalagyan ng tubig ay may tulo o sira. Dahil sa elevation, napapadali rin ang pagkonekta ng rainwater harvesting system sa spigot o hos. Bukod rito, ayon sa pag-aaral, ito rin ay nakatutulong sa presyon ng tubig.
Pagpintura nang itim o paggamit ang anti-UV paint
Kung ang iyong napiling lalagyan ay hindi UV resistant, mahalaga na pinturahan ito ng itim o paggamit ang anti-UV paint upang maiwasan na tubuan ng lumot o algae ang naipon na tubig-ulan. Bukod sa pintura ay mahalaga ring i-puwesto ang naipong tubig-ulan sa may lilim. Ang pagbilad sa araw ay maaaring maging dulot ng photosynthesis, na gayun naman ay maaaring magdulot ng pagtubo ng lumot sa inimbak na tubig-ulan.
Regular na paglilinis
Bukod sa madalas na paglilinis ng pinaglalagyan ng tubig-ulan, inirerekomenda na linisin rin ang mga dinadaanan nito tulad ng alulod at bubong upang maiwasan ang pagbara ng mga ito. Kung ang iyong rainwater harvesting system ay mayroong filter o first-flush diverter, ito rin ay kailangan linisin.
Ang frequency ng paglilinis ay naaayon sa dalas ng pag-ulan sa iyong lugar at kung anong bahagi ng rainwater harvesting system ang lilinisin. Ito ay maaaring gawin bawat buwan, quarterly, dalawang beses sa isang taon, o bawat pagkatapos ng kaganapan ng malakas na ulan.
Mga maaaring pagbilhan ng lalagyan
Kung ikaw ay nakatira malapit sa Metro Manila, narito ang ilang lugar kung saan maaaring bumili ng mga drum.
I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
BMJB Plastic Enterprise
852 Gov. Pascual Ave, Brgy. Potrero, Malabon City
Para sa pangkaraniwang lagayan ng tubig gaya ng batya, timba, planggana, at iba pa.
Walang available na contact information.
Alpa Drum Trading
1 Mayo Street, cor A. Bonifacio Ave, Quezon City
Para sa pagbili ng malalaking plastik na lagayan gaya ng mga drum at tangke.
Contact numbers: +63 917 858 6532 | (02) 8247 6155
Bestank
San Marino Compound, 668, T. Santiago St., Lingunan, Valenzuela City
Nagbebenta ng lahat ng maaaring kailanganin para sa mas komplikadong rainwater harvesting system: plastic at bakal na tangke, mga heater, pump, at filter.
Facebook: BESTANK Manufacturing Corporation | Instagram: @bestankmfgcorp
Website: https://bestank.com/
Email: service@bestank.com
Contact number: (02) 8292 5727
Mga maaaring i-contact para sa installation ng RWHS at ibang sistema
Kung ikaw ay nakatira sa Metro Manila at may nais magpa-install ng mas komplikadong RWHS kaysa gawin ito mag-isa, narito ang ilang negosyo na maaaring makatulong.
I-click ang dropdown sa ibaba para sa karagdagang impormasyon.
AqualiPure Water Systems & Equipment Inc.
22A Araneta Avenue, corner P Tuazon, Potrero, Malabon, 1475 Metro Manila
Para sa pag-install ng advanced water filtration at treatment systems. Nag-ooffer ng serbisyo sa Malabon at maging sa ibang lugar sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, at iba pa.
Facebook: AqualiPure Water Systems & Equipment Inc.
Website: http://aqualipure.com
Email: aqualipure.wsei@gmail.com
Contact number: +63 917 512 0431
JBS Roof Repair Plumbing and Welding Service
Para sa mga serbisyo sa pagtutubero, pati na rin ang pag-install ng RWHS. Nag-ooffer ng serbisyo sa Metro Manila.
Facebook: JBS Roof Repair Plumbing and Welding Service
Contact number: +63 965 684 1015
JD Plumbing
Para sa mga serbisyo sa pagtutubero at elektrikal, kabilang ang pag-install ng tangke ng tubig.
Facebook: JD Plumbing
Contact numbers: +63 962 692 7649 | +63 915 541 1585
24/7 Axel Plumbing and Electrical Services
93 k6th Kamuning Quezon City, Quezon City, Philippines, 1103
Para sa pag-install ng mga tangke, filter, at pumps. Nag-ooffer ng serbisyo sa Malabon at maging sa ibang lugar sa Metro Manila, Bulacan, at iba pa.
Facebook: 24/7 Axel Plumbing and Electrical Services
Contact numbers: +63 995 200 2417 | +63 945 610 8659
RBB Plumbing & Malabanan Services
27 Atis Street, Verdant Acres Subdivision Pamplona 3, , Las Piñas, Philippines, 1740
Para sa iba-ibang serbisyong may kinalaman sa pagtutubero, pati na rin ang pag-install, paglinis, at pag-repair sa mga tangke ng tubig. Nag-ooffer ng serbisyo sa Metro Manila.
Facebook: RBB Plumbing & Malabanan Services
Website: http://malabananservicesph.com
Email: briosoplumbing@gmail.com
Contact numbers: +63 995 990 9231 | +63 947 955 6498
Gabay mo sa pagsisimula
Lahat ng kailangan mo malaman para magsimula sa pag-ipon ng tubig-ulan, pinagkasya sa isang reference sheet. Handa nang i-download o i-print para sa iyong pang-araw-araw na paggamit.